Ang PERM program

philippines-flagAng PERM program (Program Electronic Review Management) ay bahagi ng proseso ng Kagawaran ng Paggawa, na nag-aaproba sa isang dayuhan na magkaroon ng sertipiko ng pagtatrabaho.

Ang Kagawaran ng Paggawa ay mayroong online impormasyon na tumatalakay sa pangkabuuang programa at makikita ito sa http://www.foreignlaborcert.doleta.gov/perm.cfm\
Ang susi sa matagumpay na PERM filing sa ahensya na ito ay may kasamang maingat na pagdisenyo sa inaalok na okupasyon, pagsunod sa panuntunan ng PERM ayon sa liham ng batas, kinakailangang magsagawa ng pagsubok sa merkado ng trabaho sa pamamagitan ng advertayzing at posting, paghanda ng mga dokumento sa posibleng Audit, at pagiging tiyak na matutugunan lahat ng deadlines na kainakailangan ng proseso.

Ang mahirap na bahagi ng pagproseso ng PERM ay aming ginagawa at kami ay nakikipaugnayan sa mga HR associates.

Kami ay nagbibigay ng pangkalahatang gabay, naghahanda ng kinakailangang mga dokumento at nilalaman nito, kumikilos bilang inyong kinatawan para sa pagsumite at komunikasyon sa USDOL, at kami’y handa kung may matanggap mang hamon.

Nakita ng karamihan ng mga employers na ang aming serbisyo ay nakatutulong sa kanilang layunin na makamit ang PERM aprobal, at madalas mas mainam keysa sa mga naranasan nilang ibang serbisyo sa larangan ng PERM.

Ang aming kumpanya ay may koponan na nakatuon sa pagproseso ng PERM. Ang aming pangkalahatang aprobal rate ay higit pa sa mga nakalathala na istatistika para sa mga karaniwang aprobal ng PERM.

Inaanyayahan namin kayong magtanong tungkol sa pagproseso ng PERM at sa aming mga serbisyo.

Kung kinakailanganin nyo ng impormasyon, hwag kayong mag-atubili na kontakin kami sa pamamagitan ng pagkumpleto sa aming kontakt form Contact Form.

Kung nais nyo ng tulong sa wikang Tagalog, pakitawagan nyo ang aming opisina mula 9:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon Pasipikong Oras o paki-email si Elaine Picache-David sa epdavid@bennettimmigration.com at tutulungan namin kayo.